Pacman, ayaw tantanan ng mga kalaban sa loob man o labas ng ring
ni Ka Ambo - @Bistado | August 05, 2021
Ayaw talagang tantanan si Sen. Manny Pacquiao ng kanyang mga kalaban sa loob at labas ng ring.
Kahit nag-eensayo siya kontra kay US welterweight champion Errol Spence ay inuupakan siya ng farm trolls ng kalaban niya sa pulitika!
◘◘◘
IKINAKALAT ng trolls ang sinasabing maanomalyang multi-billion sports complex project sa Sarangani.
Nilinaw ni Pacquiao na fake news ito at kakasuhan niya ang nagpapakalat ng pekeng impormasyon sa social media!
◘◘◘
NAGBANTA si Pacquiao sa mga trolls.
“Many of these SocMed trolls are making a lot of money at the expense of honest and hard-working citizens. I’ll make it my mission to stop them at all cost.”
◘◘◘
SA tulong ng kanyang legal team, hiningi ni Pacquiao ang tulong ng PNP Anti-Cyber Crime Group upang matukoy ang owners at administrators ng 27 fake news sites.
Ang mga ito umano ang pagpapakalat ng fake news na nag-ugnay sa kanya sa P3.5 bilyon korupsiyon sa konstruksiyon ng Sarangani Sports Complex!
◘◘◘
NAI-POST sa social media ni Pastor Quiboloy na gumastos ang pamahalaan ng P3.5 bilyon para sa proyekto kasabay ng pagpapakita nito ng mga sira-sirang pasilidad at talahiban.
Ini-recycle ang naturang post ng hindi bababa sa 27 fake news sites!
◘◘◘
“THE post is libelous and was malicious to destroy the good reputation of the Senator, the full implementation of the project will be done by the local government through province of Sarangani and the municipality of Alabel where the land is located, while the budget will be coming from the National Government,” wika ng abogado ni Pacquiao na si Atty. Pelagio Lawrence Cuison.
“After the proposal of the bill and its signing into law by the President, Senator Pacquiao has no direct dealings with the project. The contractor selected by the bidding committee of the province also has no relation to the Senator,” aniya pa.
◘◘◘
NILINAW ni Cuison na ang P3.5 bilyong sinasabi ni Quiboloy na budget para sa Sarangani Sports Complex ay inilaang budget sa konstruksiyon ng Philippine Sports and Training Center na layong itayo sa Bataan sa bisa ng Republic Act 11214 (Philippine Sports Training Center Act).
Ang konstruksiyon ng Sarangani Sports Complex ay naging posible nang dahil sa enactment ng Republic 11224 na iniakda ni Pacquiao, ngunit hindi pa ito nabigyan ng alokasyon dahil sa COVID-19 Response!
◘◘◘
MALINAW ngayon na palsipikado ang naturang ulat kaugnay sa pagpapagawa ng sports complex na idinidikit kay Pacquiao.
Sa tingin natin, dapat maging mulat ang publiko sa pagpili ng mga ulat na ire-repost o ise-share sa kani-kanilang social media account upang hindi makasuhan ng cyber libel!





Comments