top of page

Pacman at Mayweather, nagparunggitan sa Japan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26, 2022
  • 1 min read

ni MC - @Sports | September 26, 2022


ree

Nagkita ang mortal na magkaribal sa boxing na sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa press conference para sa RIZIN 38 noong Sabado sa Saitama, Japan.


Pero sa pagkakataong ito sina Pacquiao at Mayweather, na parehong nagretiro mula sa aktibong pakikipaglaban, ay hindi nagpalitan ng suntok, bagkus ay mga parunggitan sa isa't isa.


Sa Japan kasi ay makakalaban ni Mayweather si Mikuru Asakura, isang mag-aaral ni Pacquiao, sa isang exhibition bout. Magaganap ngayong araw ang laban ng dalawa.


Gayunpaman, hindi nito napigilan sina Pacquiao at Mayweather na makipagpalitan ng verbal jabs. “Nandito ako para suportahan ang aking boksingero na lalaban bukas — si Asakura Mikuru,” ani Pacquiao. “I’m so thankful na pumunta siya sa Pilipinas, sa Manila para magkaroon ng mga techniques about boxing, and train with me there. Kaya ito ay magiging isang magandang boxing exhibition laban kay Floyd.”


Sinabi ni Mayweather na si Asakura na sinanay ni Pacquiao ay gagawing mas kapana-panabik ang laban. “Mas exciting na nakapunta siya sa Pilipinas at humingi ng payo kay Manny,” sabi ni Mayweather.


Nanindigan si Mayweather na walang nakakaalam kung paano siya tatalunin, maging si Pacquiao na nadaig ng Amerikano noong lumaban sila noong 2015. “Tulad ng sinabi ko noon, walang blueprint kung paano talunin si Mayweather,” wika ng mayabang na mamang itim.


Nakatakda ring lumaban si Pacquiao sa isang exhibition bout laban sa Korean martial artist na si DK Yoo sa Disyembre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page