Pacio, binalaan ni Brooks, may susuko sa ONE C'Ship
- BULGAR
- Oct 11, 2022
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | October 11, 2022

Binalaan ni American challenger Jarred “The Monkey God” Brooks si ONE Strawweight champion Joshua “The Passion” Pacio na gagawin nito ang lahat ng pamamaraan upang mapatumba lamang ang Filipino titlist sa Disyembre 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nakatakdang magtapat ang dalawa sa ONE 164 kung saan darayo ang American fighter na si Brooks sa bansa upang tangkaing agawin ang korona sa four-time defending champion.
“The real fight preparation comes into play these last two months. I will be working like a mad man to achieve beyond what I thought was reachable!” pahayag ni Brooks sa kanyang social media post. “Work is being done and I will be ready.”
Tulad ni Brooks, kilala rin walang humpay sa pagsasanay ang 26-anyos na si Pacio na matinding bumanat sa gym na patuloy ang pagpupursige na mas mapalakas ang sarili higit na kung may darating itong laban na pinaghahandaan.
Kahit pa man na sa kasagsagan ng mabagsik na pag-atake ang COVID-19 at nagpasara sa maraming pasilidad at gym, nagawan pa rin ng paraan ng La Trinidad, Benguet-native na mag-ensayo ng husto, kung saan tumira pa ito sa gym upang patuloy na puwersahin ang sarili sa paghahanda, na siyang dahilan kung bakit nananatili itong World champion ayon sa coach niyang si Mark Sangiao.
“That’s the thing about Joshua. You don’t really have to tell him to work on his game, he’ll always look for ways to improve,” saad ni Sangiao. “He’s never looked at himself as a World Champion or as someone better than his peers. He grinds every day, he looks to make himself one percent better each day, and that’s why he’s our World Champion.”





Comments