top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pacers, tinalo ang pikon na Utah; VanVleet, malupit

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2021
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 13, 2021





Ang pikon ay talo at ito ang matinding aral na nakuha ng Utah Jazz at nanalo sa kanila ang bisitang Indiana Pacers, 111-100, sa mainit na aksiyon sa NBA kahapon mula sa Vivint Arena. Tatlong Jazz ang pinalabas sa laro matapos magsimula ng away na may apat na minutong nalalabi at lamang ang Pacers, 104-92.


Matapos maka-shoot ni TJ McConnell ng Indiana, biglang sumiklab ang girian ng kanyang kakamping si Myles Turner at Rudy Gobert. Naawat ang dalawang higanteng sentro at pinalabas ng mga reperi sina Turner, Gobert at iba pang Jazz na sina Donovan Mitchell at Joe Ingles dahil sumali sila sa away. Nanguna sa atake ng Pacers si Malcolm Brogdon na may 30 puntos.


Kahit hindi tinapos ang laro, nanguna pa rin sa Jazz sina Mitchell na may 26 puntos at Gobert na may 19 puntos at 11 rebound subalit pag-aaralan ng NBA kung suspendido sila sa Linggo kontra sa bisitang Miami Heat. Sumunod si Jordan Clarkson na may 11 puntos.


Sa ibang laro, sumakay ang Toronto Raptors sa magkasunod na three-points nina Gary Trent Jr. at Fred VanVleet sa huling minuto upang agawin ang tagumpay sa Philadelphia 76ers, 115-109, at umakyat sa 7-6. Lamang ang 76ers, 109-107, bago uminit sina Trent at VanVleet at sinigurado ng dalawang free throw in OG Anunoby ang panalo na may 12 segundo sa orasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page