top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pacers, Pistons, Wizards at Heat, nagngitngit

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 15, 2021





Nagising sa tamang panahon ang bisitang Miami Heat upang mapigil ang huling hirit ng Utah Jazz, 111-105, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa Vivint Arena. Parehong naging 8-5 ang kartada ng dalawang koponan subalit bumagsak ang Jazz sa 6th place sa mahigpit na Western Conference.


Lamang ang Heat ni kabayan Coach Erik Spoelstra, 109-87, na may 4:31 nalalabi sa laro at biglang bumuhos ng 18 sunod-sunod na puntos ang Jazz upang lumapit na may 14 segundo sa orasan, 105-109. Nanguna sa Heat si Herro na may 27 puntos. Pumukol ng anim na tres si Duncan Robinson para sa 22 puntos.


Nasayang ang 26 puntos ni Bogdanovic at 25 puntos ni Pinoy pride Jordan Clarkson. Ito na ang ikalawang sunod na talo ng Utah matapos ang nakaraang laro kontra Indiana Pacers noong isang araw na nauwi sa away.


Nakaligtas mula sa suspensyon sina Rudy Gobert, Joe Ingles at Donovan Mitchell na pinalabas dahil sa papel sa gulo kaya pinagmulta ng liga. Una si Gobert na magbabayad ng $35,000 (P1.75M) bilang pasimuno, $30,000 (P1.5M) kay Ingles dahil hinawakan niya ang reperi habang inaawat ang dalawang koponan at $20,000 (P1M) kay Mitchell dahil ginatungan niya ang away sa ananalita habang si Myles Turner ng Pacers ay binigyan ng multang $25,000 (P1.25M) dahil gumanti kay Gobert.


Nakalaro din si Turner kahapon at tinulungan ang Pacers na magwagi sa Philadelphia 76ers, 118-113, kung saan nagtala siya ng 20 puntos habang 27 si Justin Holiday.


Naglabas ng buenas na shooting ang Detroit Pistons upang masugpo ang Toronto Raptors, 127-121, 24 puntos dito galing kay Jerami Grant. Nanatiling solong numero uno sa Eastern Conference ang Washington Wizards matapos magwagi sa Orlando Magic, 104-92.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page