top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pacers, binigo ang Warriors, Curry, napilayan ang balikat

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 16, 2022



Pinatikim muli ng Indiana Pacers ang World Champion Golden State Warriors ng isa pang talo, 125-119, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon mula sa Gainbridge Fieldhouse.


Dobleng dagok ang dumating sa bisitang Warriors at hindi tinapos ni Stephen Curry ang laro matapos mapilayan ng kaliwang balikat sa 3rd quarter.


Sinubukan ni Curry na agawin ang bola mula kay Jalen Smith at biglang sumakit ang balikat. Napilitan siyang palitan na may 2 minuto pa sa quarter at may 38 puntos na subalit lamang ang Pacers, 93-80.


Kumilos ang Indiana sa second quarter kung saan lamang sila ng isa lang sa simula, 27-26, at pinalaki nila ito sa 71-46 bago ang halftime. Gumawa si Tyrese Haliburton ng 17 ng 29 puntos sa 2nd quarter at kumuha ng tulong kay rookie Benn Mathurin na may 24 at Myles Turner na may 21 puntos upang umangat sa 15-14 habang kabaligtaran ang Warriors na 14-15.


Sa ibang laro, naging bayani muli si Tyler Herro at naka-shoot siya na may 5.7 segundong nalalabi upang buhatin ang Miami Heat sa 110-108 panalo sa Oklahoma City Thunder. Nagtapos si Herro na may 35 puntos mula sa siyam na three-points at sinuportahan ni Bam Adebayo na may 15 puntos at 13 rebound.


Sumandal sa kanilang mga free throw sa huling minuto ang Sacramento Kings upang magwagi at mabitin ang huling hirit ng Toronto Raptors, 124-123. Namuno sa Kings sina De’Aaron Fox na may 27 puntos at 10 assist at Malik Monk na may 24.


Bumanat agad ng nakahihilong 50 puntos ang Orlando Magic sa 1st quarter pa lang upang masugpo ang bisitang Atlanta Hawks, 135-124. Maagang umapoy si Franz Wagner para sa 11 ng kanyang 24 puntos sa nasabing quarter.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page