top of page
Marian Rivera at Dingdong Dantes - TikTok.jpg

Pac-May Fight nabalahaw uli, may kaso pa ang mamang itim

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | June 27, 2026



Pac-May Fight nabalahaw uli, may kaso pa ang mamang itim

Photo: File



Wala pang katiyakan ang eksaktong petsa ng inaantabayanang makasaysayang rematch sa pagitan nina unbeaten Floyd “Money” Mayweather at nag-iisang 8th-division titlist Manny “Pacman” Pacquiao matapos itong ipagpaliban pansamantala kasunod ng kasong kinakaharap ng unbeaten American boxer sa ibang promotion.


Kinumpirma ni Pacquiao sa Boxingscene na ang planadong salpukan sa Setyembre 25 sa Netflix ay pormal ng ipinatigil dulot ng kinakaharap na ‘breach of contract’ ni Mayweather na isinampa ng CSI Sports Events, na siyang namamahala sa exhibition fight kontra Mike Tyson, kung saan napaulat na mayroon ring kaantabay na exhibition match si Mayweather laban kay Mike Zambidis ng Greece.


Ang mga paglilitis na kinasasangkutan ng CSI sa U.S. Southern District Court ng New York ay naglalayong magbigay ng utos sa pagtatangkang labanan ni Mayweather sa isang eksibisyon sa Greece laban kay Zambidis.


Sakaling maisaayos ni Mayweather ang isyung legal sa CSI, maaaring maitulak ang laban sa Setyembre na magsasantabi sa laban kontra Pacquiao, kaya’t tinitingnan na mauurong ang nasabing rematch, na sinasabing maaaring ganapin na lamang sa susunod na taon sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.


Mayroong nakalatag na concert sa The Sphere, na pagmamay-ari ng Madison Square Garden sa Set. 19 na katatampukan ng legendary band na Eagles, kaya’t ito ang isa sa naging dahilan upang ilipat ang laban. 


Nakatakda sanang ganapin ang exhibition match nina Mayweather at Tyson noong Abril 25 sa Republic of Congo bilang pagkilala sa 1974 ‘Rumble in the Jungle,’ subalit nausog matapos ma-injured si Tyson sa ensayo. Sa kabilang banda, nagkaroon na rin ng pagbabago sa petsa ng laban ng Pac-May 2 na nalipat mula sa The Sphere sa Sept. 19 patungo sa MGM Grand sa Sept 25.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page