Pac-boy, bumanat ng 7th win sa Las Vegas Amateur Bout
- BULGAR
- Feb 7, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce @Sports | February 7, 2023

Bumanat ng panibagong panalo sa amateur bout si Emmanuel “Jimuel” Pacquiao Jr. kontra Marco Rosales sa bisa ng unanimous decision sa boxing event na “Fights of Fury” sa Westgate Las Vegas Resort and Casino, Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.
Nagpakita ng magandang galaw at footworks ang panganay na anak ng nag-iisang eight division World champion Manny “Pacman” Pacquiao para makuha ang kanyang ikapitong panalo kasama ang dalawang talo.
Binati naman ng dating Senador ng Pilipinas ang panibagong panalo ni Jimuel sa social media.
Nakabawi si Pacquiao sa huling laban nito kontra Chris Smith nung Hunyo 25, 2022 sa United Irish Cultural Center, San Francisco, California.
“Congrats to our eldest son @pacquiao.emmanuel for winning its seventh amateur fight.
We are proud of you,” pahayag ni dating Senador Pacquiao sa kanyang Instagram account.
Huling beses nakakuha ng panalo si Jimuel laban kay Armand Calara nung Mayo 23, 2022 sa Derby Room, Pomona, California.





Comments