top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Pabalik-balik sa Senado... Robin sa mga Senador: palpak, walang nagawa!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 34 minutes ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 31, 2026



Robin Padilla - Senate PH

Photo: Senate PH



Pinasaringan ni Senador Robin Padilla ang ilang senador na matagal nang nagsisilbi sa Senado at nakailang termino na ngunit palpak at wala pa ring sapat na nagawa sa ikauunlad ng Pilipinas. 


“Kung makapagsalita ang mga paulit-ulit nang nagsisilbi sa Senado at nakailang termino na parang may nagawa na sila para sa ikauunlad ng Pilipinas,” ani Padilla sa kanyang Facebook post.


“Sa panahon niyo wala naman din napala ang mahihirap, manggagawa, magsasaka, mangingisda, maglulupa, at iba pang manpower ang kalakal.” 


Ani Padilla, tila mas yumaman pa ang mayayaman habang mas humirap naman ang mahihirap sa panahon na nakaupo ang mga beteranong kapwa niya senador.


Nasa mukha aniya lahat ng mga beteranong senador ang mga problemang kanyang unang nabanggit at idiniin niyang ang suweldo at mga benepisyo lang naman daw ng mga nagtatrabaho sa gobyerno ang tumaas ngunit patuloy pa ring nanlilimos ang mga normal na Pilipino. 


Pagpapatuloy ni Padilla, nakailang termino na umano sa Senado ang ilang mga senador ngunit hindi pa rin aniya umaabante ang isinusulong ng mga ito. 


“Ako mag-apat na taon na, 19th at 20th Congress hanggang ngayon nag-aantay pa rin na magkaroon na ng katuparan ang mga panukala at pinangako niyo noon at ngayon sa mga manggagawa simula pa lang ng mga termino niyo,” saad pa niya.


Samantala, wala namang senador na binanggit si Padilla kung sino ang kanyang pinatutungkulan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page