Paaak! Ganern ba, Coco? JULIA, UMAMING PRIVATE ANG RELASYON PERO 'DI NAMAN ITINATAGO
ni Nitz Miralles - @Bida | August 26, 2022

Marami ang nag-agree sa paliwanag ni Julia Montes kung bakit mas pinili niyang maging private ang kanyang relasyon, pero hindi naman isisikreto.
“Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. 'Wag na nating paguluhin pati ‘yung atin.' Personal choice namin 'yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami 'pag ano kasing nandiyan, sisirain. 'Pag hindi kayo, 'pag magka-love team kayo, gustong maging kayo.
Pag kayo, pagsisirain kayo. So, might as well, ‘O, ano'ng alam n'yo? Okay, kung ano'ng alam n'yo, okay po.' ‘Yun na.”
Walang binanggit na pangalan si Julia kung sino ang karelasyon niya, pero hindi na kailangan dahil alam na nating lahat na si Coco Martin lang naman ang nali-link at laging kasa-kasama ng aktres.
Irespeto na lang natin ang kagustuhan nila at piniling maging pribado ang kanilang relasyon.





Comments