top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Paaaakkk! ALJUR, WA' SUSTENTO SA 2 ANAK KAY KYLIE, SI AJ NAMAN ANG NABUNTIS NGAYON

BULGAR
Jun 29, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 29, 2022




Wala pang pag-amin pero kalat na kalat na sa buong showbiz na buntis si AJ Raval at si Aljur Abrenica ang ama. Kaya raw pansamantalang namahinga sa paglabas sa pelikula si AJ ay dahil preggy nga.


Hindi na rin maitatago pa ang relasyon nila ni Aljur kahit anong gawin nilang deny.


For sure, nakarating na rin ang kondisyon ngayon ni AJ kay Kylie Padilla at hindi na magugulat-magtataka pa ang misis ni Aljur sa nangyari.


Expected naman ni Kylie na doon mapupunta ang lahat, hahanap si Aljur ng babaeng magmamahal sa kanya matapos silang maghiwalay.


Payo naman ng ilang nagmamalasakit na netizens, sana lang, maging responsableng ama si Aljur at 'wag kalimutan ang kanyang obligasyon sa dalawa nilang anak ni Kylie na sina Alas at Axl.


Si Kylie ay naka-move on na rin naman at inaming she's dating someone. Hindi pa nga niya inilalantad sa publiko ang kanyang bagong inspirasyon.


Labis namang nanghihinayang ang mga taong umaasa na magkakabalikan pa sina Kylie at Aljur Abrenica. May kani-kanya na silang buhay ngayon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page