Pa-VIP, walang respeto… PACQUIAO, 10 ORAS PINAGHINTAY ANG MAG-IINTERBYU SA KANYA, NILAYASAN
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 04, 2022

Lumabas dito sa BULGAR nitong Miyerkules, Pebrero 2, ang tungkol sa diumano'y pag-atras sa guesting ni presidential aspirant Senator Manny Pacquiao sa programang Ano Sa Palagay N’yo o ASPN Primetime na sina Ali Sotto at Pat-P Daza ang mga hosts.
Ang ASPN Primetime ay napapanood simula 8:00 PM, Lunes hanggang Huwebes, sa terrestrial TV (Channel 25), Sky Cable (Channel 18), Home Cable (Channel 18) at Global Destiny (Channel 19).
Pero sa lumabas na artikulo sa website ng NET25 kahapon, may iba palang kuwento tungkol sa nangyari.
Ito ang nilalaman ng artikulo…
"Taliwas sa mga ipinalalabas sa ilang ulat na umatras si Senator Manny Pacquiao sa interview ng NET25, ang crew at hosts ng ASPN Primetime na sina Ali Sotto at Pat-P Daza pala ang pinag-pull-out ng TV network, dahil sa napakahabang oras na paghihintay ng mga ito sa presidential aspirant na hindi tumalima sa napagkasunduan.
"Ayon sa director ng ASPN Primetime, Jeannie Gualberto, nakipag-ugnayan ang team ni Pacquiao sa NET25 para ma-interview ng programa ang kanilang kandidato.
"Itinakda ang taping nang alas-kuwatro ng hapon, January 31, 2022 sa kanilang headquarters sa Makati City.





Comments