top of page
Search
  • BULGAR

Pa-tribute kay Direk Carlo J… BONG, GAGAWA NG BAGONG PANDAY MOVIE

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 29, 2024


Showbiz Photo
File photo: Screen Grab from Sen. Bong Revilla / IG

Dumalaw at nagtagal sa huling gabi ng burol ni Direk Carlo J. Caparas sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congw. Lani Mercado. Marami raw masasayang memories ang naaalala nila kay Direk Carlo J. Ito raw ang nagdirek sa pelikulang Sa Dibdib ng Sierra Madre kung saan nagsimula at nabuo ang kanilang love story kaya naging ninong pa si Carlo J. sa kanilang mga anak. 


Marami ring pelikula si Sen. Bong na si Carlo J. ang nagdirek, isa na rito ang Panday na tumatak sa marami. 

Naging bahagi si Carlo J. sa pagle-level-up ng career ni Bong bilang action star kaya nalungkot ito sa pagpanaw ng inirerespetong direktor. 


Samantala, may pangako naman si Sen. Bong sa mga anak ni Direk Caparas na kapag gumaling na ang kanyang injury sa paa ay gagawa siya ng another Panday movie bilang tribute sa yumaong direktor na si Carlo J. Caparas.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page