top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pa'no na raw si Janine? JAPANESE MEMBER NG TWICE NA SI MOMO, BAGO NI PAULO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 11, 2022




Mukhang may bagong crush si Paulo Avelino at ito ay ang Japanese member ng South Korean girl group na Twice na si Momo Hirai.


Nag-tweet si Paulo kahapon ng larawan ng billboard nila ni Momo sa EDSA na magkatabi.

Caption ni Paulo, “Buti pa sa billboard, walang pila.”


Naaliw ang mga netizens at kinantiyawan nila nang katakut-takot ang aktor.


“Nako po, si Goyo, na-in love sa Hapon,” komento ng isang netizen.


Ang iba naman ay tinatanong kung paano na raw si Janine Gutierrez na as we all know ay nali-link ngayon kay Paulo?


“Pinanghahawakan ko pa rin ang sabi mong Pinay ang gusto mo. Kaya tuloy ang PauNine endgame,” saad ng isang netizen.


May nagkomento rin na walang arti-artista at kailangan daw pumila si Paulo, na sinagot ng aktor ng “Katabi ko na nga, eh,” na ikinaaliw ng mga netizens.


Sa mga komentong nabasa namin, si Janine pa rin ang gusto ng mga fans para kay Paulo kaya for sure ay maraming magagalit kung totoo ngang crush ng aktor si Momo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page