top of page

Pa-cute raw sa labs ni Belle… SHUVEE, TODO-KILIG KAY DONNY, TINAWAG NA OA AT MALANDI NG MGA NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 22, 2026



Shuvee Etrata - Instagram

Photo: Shuvee Etrata - Instagram



Hindi naitago ni Shuvee Etrata ang matinding kilig nang magkita sila ng kanyang ultimate celebrity crush na si Donny Pangilinan sa birthday party ni “The Bernard Cloma” nu’ng Huwebes nang gabi.


Nag-viral sa Tiktok at Facebook ang video ng pangangantiyaw kay Shuvee ng mga kasama para batiin si Donny sa party.


Todo-ngiti at todo-kilig ang ate mo, girl, sabay pabirong banat na “‘Wag kang lumapit!” pero dedma si TDH (tall, dark and handsome) na Donny, tumayo at nilapitan si Shuvee para bumeso. 


Ayun, ang kilig na kilig na si Shuvee, napaupo na lang at nagtago sa hiya.

Hindi naman nagustuhan ng mga DonBelle fans nina Donny at Belle Mariano ang pagpa-fangirling ni Shuvee na para sa kanila ay napaka-OA nito. May tumawag pang “malandi” kay Shuvee dahil sa ipinakita nitong sobrang pagkakilig na parang bulateng inasinan habang nagpapa-cute kay Donny.


Obyus naman daw sa mukha ni Donny na nagpaka-gentleman lang ito pero walang ibang feelings para kay Shuvee.


Naku, eh, may gagawin pa namang movie ang DonBelle, kaya dapat ‘wag munang agaw-eksena si Shuvee at baka makasira siya sa promo, ‘no?







WALANG pinipiling edad ang edukasyon at pinatunayan ‘yan ng influencer, businessman, at talent manager na si Wilbert Tolentino. Sa edad na 50, natupad ang matagal na niyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.


Nakuha niya ang Bachelor of Science in Office Administration degree mula sa Philippine Christian University (PCU), bilang bahagi ng Batch 2026.


Hindi nakapagtapos ng kolehiyo noon si Wilbert dahil sa edad na 14, kinailangan niyang magtrabaho na agad bilang helper sa printing press at cleaner para mabuhay ang sarili.


“The truth is, I come from a broken family. At 14 years old, I had to stop studying and start working just to survive,” aniya.


Kalaunan ay naging all-around employee siya sa isang maliit na grocery store sa kanilang komunidad.


Sa edad na 18, naglakas-loob siyang magtayo ng sariling negosyo kahit wala siyang college diploma at pormal na edukasyon.


“Being a young entrepreneur without a college degree and proper education was very challenging. I had limited funds, struggled with operational expenses like payroll and rent, and at the same time, I was providing for my months-old daughter,” kuwento pa niya.


Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ginawa niya itong inspirasyon upang mas magsikap.


Isa sa mga ipinagmamalaki ni Tolentino ay ang matibay nilang samahan ng kanyang mga empleyado, na kasama niya sa pagbuo ng kanyang negosyo sa loob ng halos tatlong dekada.


“Through the years, they became more than my staff. They became my business partners, my travel companions, and my family,” ani Tolentino.


“For almost three decades now, we have stood side by side. What I eat, they also eat. What I earn, we celebrate together.”


Ayon sa kanya, marami sa kanila ay tulad din niya na walang diploma o titulo, ngunit pinanghawakan nila ang sipag, tiyaga, at determinasyon upang umangat sa buhay.


Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa negosyo at social media, may isang pangarap pa rin na nais matupad si Tolentino—ang makapagsuot ng toga at makatanggap ng diploma.


“I firmly believe that age is never a hindrance to learning. It is never too late to finish what you started,” sabi pa ni Wilbert.


Mas naging makahulugan ang pagtatapos ni Tolentino dahil isa rin siyang single parent sa kanyang 8-year-old son na may special needs.

Para sa kanya, ang diploma ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang halimbawa para sa kanyang anak.


“It means showing my son that perseverance, education, and determination can open doors — no matter what obstacles you face,” aniya.

Nagbigay din siya ng mensahe sa Gen Z at Gen Alpha.


“I hope my story reminds you that success is not about how fast you finish, but how determined you are to keep going. Be diligent. Stay committed. Chase your dreams relentlessly.”


Nagpasalamat din si Tolentino sa mga taong tumulong sa kanya upang maabot ang milestone na ito. Kabilang dito si Miss Lilibet Amatong, na kanyang tinawag na “Mommy Teacher” at mentor.


Pinasalamatan din niya sina Teacher Melody Llona, ang kanyang Home Study Instructor, at Professor Bong Escobedong PCU Escobedo Extension sa kanilang gabay at pasensya.


Nagpaabot din siya ng taos-pusong pasasalamat kay Mommy Susan Rogacion ng Nazareth Institute of Alfonso para sa patuloy na suporta at pagmamalasakit.

Hindi rin nakalimutan ni Tolentino ang kanyang pamilya—ang kanyang mga kapatid na sina William, Wilson, at Willy, pati na rin ang kanyang mga hipag, pamangkin, at mga mahal sa buhay.


Inialay din niya ang tagumpay na ito sa kanyang 86-anyos na ina at sa kanyang yumaong ama.


“This achievement is dedicated to both of you. Everything I have accomplished is because of the values, strength, and love you instilled in me,” ani Tolentino.

Isang espesyal na mensahe rin ang ibinahagi niya sa kanyang anak na si Willard King Tolentino.


“Being a single father has not always been easy. But I want you to know that with dedication, hard work, and perseverance, everything is possible.”


Ibinunyag din ni Tolentino na plano niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang makamit ang master’s degree sa hinaharap.


Binati rin niya ang kanyang mga batchmates kabilang sina Geneva Cruz, Rico Almonicar, at Sachzna Laparan, pati na ang buong komunidad ng Philippine Christian University.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page