top of page

P9.6B para sa pagpapatayo ng mga klasrum — PBBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 minutes ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | February 12, 2026



Bongbong Marcos

Photo: PBBM / FB



Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglalaan ng humigit-kumulang P9.6 bilyon para sa pagpapatayo ng 4,000 silid-aralan sa buong bansa na layuning matugunan ang kakulangan sa mga learning spaces at mapabuti ang kalagayan ng edukasyon para sa mga mag-aaral.


Ginawa ni Marcos ang anunsyo sa paglagda ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at local government units (LGUs) upang gawing pormal ang partnership para mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan at matugunan ang backlog.





Sa seremonya ng paglagda sa Palasyo, sinabi ng Pangulo na ang pondo ay ilalaan para sa unang yugto ng Nationwide Classroom Construction Program, na ipatutupad sa ilalim ng MOA.


Ayon kay Marcos, makatatanggap ang mga pamahalaang panlalawigan ng P4.1 bilyon para sa pagtatayo ng tinatayang 1,200 silid-aralan habang ang DepEd ay bibili ng humigit-kumulang 2,800 prefabricated classrooms na nagkakahalaga ng mahigit P5 bilyon.


Nangako ang Pangulo na gugugulin niya ang nalalabing bahagi ng kanyang termino sa pagbibigay prayoridad sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtugon sa kakulangan na 145,000 silid-aralan batay sa tala noong Disyembre 2025.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page