top of page
Pokwang.jpg

P72.5 bilyon sa nat’l budget, nakalaan para sa COVID-19 vaccine

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 13, 2020
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 13, 2020



Matapos ang ilang buwang pagtalakay, mula sa committee level hanggang sa bicameral conference committee, ipinasa na ng Kongreso ang P4.5 trilyong pambansang budget para sa 2021 nitong nakaraang linggo.


Ito ang bunga ng masusing diskusyon, na dati ay face-to-face, ngunit dahil sa pandemya ay naging kombinasyon ng online at limitadong face-to-face hearings.


Pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay upang maging ganap na batas ang national budget.

☻☻☻


Inaasahan na ang budget ay tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan, lalo na sa paglaban natin sa COVID-19 pandemic.


Nakapaloob sa 2021 budget ang mahigit P72.5 bilyon para sa COVID-19 vaccine, para sa target na mabakunahan ang 60 milyon sa ating mga kababayan. Kasama na ang gastusin para sa transportasyon, storage at distribusyon ng bakuna.


Ayon sa pamahalaan, prayoridad ang mga healthcare workers, senior citizens at indigent.


Umaasa tayong maglalabas ang DOH ng mga programa upang muling maibalik ang tiwala ng publiko para sa pagbabakuna.


Matutulungan din ng budget na ito ang muling pagbangon ng ating mga kababayan, at rehabilitasyon ng mga komunidad at pasilidad, na nasalanta ng mga bagyo at kalamidad ngayong taon.


☻☻☻


Pinakamalaki pa ring budget, na katumbas ng P708.18 bilyon, ang mapupunta sa Department of Education, kasama na ang CHED at mga state colleges and universities, samantalang P694.82 bilyon naman ang para sa DPWH.


Pangatlo ang DOH, na may nakalaang P287.47 bilyon.


Pang-apat ang DILG, na may P247.50 bilyon, habang ang DND naman ay may P247.50 bilyon.


☻☻☻


Umaasa tayong sana’y hindi maantala ang paglagda ng Pangulo upang hindi tayo magkaroon ng re-enacted budget, na hindi naman tutugon sa ating kinahaharap na sitwasyon sa ngayon.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page