top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P70K per day din ang staycation sa El Nido… DOMINIC, NAG-ARKILA NG YATE PARA SA V-DATE NILA NI BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 18, 2022




Super-saya at memorable para kay Bea Alonzo ang Valentine treat sa kanya ng BF na si Dominic Roque.


Talagang pinaghandaan ito ng aktor at umarkila ng private yacht upang makapamasyal sila ni Bea at mag-enjoy sa gitna ng karagatan.


Dinala rin ni Dominic si Bea sa El Nido, Palawan at nag-staycation sa isang resort na P70,000 ang renta per day.


Well, paano mo naman hindi mamahalin ang isang katulad ni Dominic Roque na parang reyna kung itrato ang GF?


Bukod sa mabait, maalaga at mapagmahal, may isa pang katangian si Dominic na gustung-gusto ni Bea. Magaling daw magmasahe ang kanyang BF kaya kapag pagod siya ay si Dominic ang nagmamasahe ng kanyang mga paa.


Samantala, may gusto lang baguhin si Dominic na nakaugaliang gawin ni Bea. Sobrang professional daw ng aktres sa kanyang trabaho kaya ibinubuhos talaga rito ni Bea ang kanyang panahon.


Halos hindi na raw nakakausap si Bea kapag nasa teyping o shooting. Hindi naaabala ang aktres kapag may trabaho. At ang payo sa kanya ni Dominic ay mahalin ni Bea ang sarili at bigyan din ng panahon ang mga taong mahal niya.


Hindi naman kailangan na maging alipin ng trabaho si Bea. Kailangan din niyang mag-slow down paminsan-minsan. At dahil sa sentimyentong ito ni Dominic, mukhang babaguhin naman ni Bea ang kanyang nakasanayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page