Mag-utol, huli sa aktong nagsa-shabu

ni Maeng Santos @News | November 16, 2026

Photo: File
Kulong ang magkapatid na lalaki nang maaktuhang gumagamit umano ng droga sa loob ng isang bahay sa Valenzuela City.
Sa ulat ni SDEU Investigator PSSg. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, alas-2:45 ng madaling-araw, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 sa Bagong Nayon, Brgy. Bagbaguin nang maaktuhan sina alyas Jess, 39, at Jay, 42, na bumabatak umano ng shabu.
Nasamsam sa magkapatid ang mga drug paraphernalia kabilang ang may mga traces ng hinihinalang shabu.





Comments