top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 1, 2022


ree

Nasabat ng mga awtoridad ang mga smuggled na sigarilyo sa Maria Clara Lorenzo Lobregat (MCLL) Highway, Culianan, Zamboanga City, bandang ala-1:00 ng madaling-araw.


Batay sa ulat, tinatayang aabot sa P14-M ang halaga ng humigit-kumulang 400 master cases ng mga smuggled na sigarilyo, lulan ng isang ten-wheeler truck, na nakumpiska ng pulisya sa lungsod katuwang ang iba’t ibang security forces.


Kaugnay nito, arestado ang dalawang suspek na kinilalang sina Jose Dichoso Goodwill, 45-anyos, drayber ng truck at ang pahinante nitong si Ryan Jalis Comidoy.


Kasunod nito ay nai-turnover na sa Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang kontrabando, maging ang sasakyan na ginamit sa pagbiyahe ng mga smuggled na sigarilyo.


Samantala, hawak na ng pulisya ang drayber at pahinante nito na kapwa mahaharap sa mga kaukulang kaso.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 29, 2020


ree


Nasabat ng Bureau of Customs-Port of Batangas nitong Huwebes ang smuggled cigarettes mula sa China na nagkakahalagang P64.4 million.

Ayon sa BOC, dumating ang shipment sa Port of Batangas mula sa Guangdong, China noong August 20 na idineklara umanong plastic cabinets.

Nang dumaan ang naturang shipment sa physical examination, napag-alaman na ito ay naglalaman ng 1,631 kahon ng sigarilyo.

Agad namang inirekomenda ni Acting District Collector Rhea M. Gregorio ang issuance ng Warrant of Seizure and Detention laban sa “entire shipment” dahil sa paglabag nito sa Section 1400 “Misdeclaration, Misclassification, and Undervaluation in Goods Declaration.”

Pahayag din ng BOC-Port of Batangas, “The BOC-Port of Batangas ensures that the Bureau remains steadfast in securing our country’s borders, facilitating trade, and collecting lawful revenues.”

 
 

ni Lolet Abania | August 29, 2020


ree


Nakasabat ang Bureau of Customs (BOC) ng tinatayang P121 million halaga ng smuggled na sigarilyo sa Port ng Subic.


Sa pahayag ng BOC, naharang ng operatiba sa Subic port ang 4x40’ containers ng sigarilyo na may market value na P121 milyon.


Sa report ng Customs, dumating noong August 22 sa Port of Subic na galing sa China at Hong Kong, ang 4x40’ containers, kung saan naglalaman umano ito ng frozen cinnamon bread, frozen pineapple pocket bread, snake and ladder board games, dominos board games at rubber strips. Subalit, tumambad sa kanila ang iba’t ibang brand ng sigarilyo.


Ayon sa District Collector na si Maritess Martin, ang pinakabagong nasabat ng ahensiya ay resulta ng mahusay at matinding pagsisiyasat ng kanilang operatiba.


“Also, adopting and catching up to the modus operandi of unscrupulous stakeholders played a big role in this apprehension for this is the first time that the BOC has seized cigarettes concealed in a refrigerated container van,” sabi ni Martin.


Gayundin, 100% physical examination, ang patuloy na isinasagawa ng Customs Examiner upang makita nang husto ang laman ng bawat shipment, ayon sa BOC.


Samantala, nag-isyu na ang Port of Subic ng Warrants of Seizure and Detention laban sa naturang shipments at nagrekomenda na rin ang Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) ng pagsasampa ng kaukulang criminal charges sa mga smugglers.


“This serves as a warning and reminder to all that BOC will not let up in its effort to protect the border,” sabi pa ni Martin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page