P7.30 dagdag-presyo sa diesel, P6.80 gasoline
- BULGAR
- 4 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 28, 2026

Photo: File
Muling sumirit sa panibagong taas presyo sa singil sa ilang produktong petrolyo ngayong araw ng Martes, Hulyo 28, 2026.
Batay sa abiso ng Unioil, tataas ng P7.30 kada litro ang presyo ng diesel, habang P6.80 kada litro naman ang magiging dagdag sa gasoline.
May ilan pang mga kumpanya ang inaasahang susunod na magtataas ng presyo sa parehong trend.
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, ang panibagong pag-atake sa Gitnang Silangan ang dahilan sa panibagong taas-presyo dahil sa pangamba sa posibleng pagkaantala ng suplay sa pandaigdigang merkado.

