P6 rollback sa LPG
- BULGAR

- Jun 2, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta | June 2, 2023

Bigtime rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mararanasan simula nitong Hunyo 1, mula sa ilang kumpanya ng langis.
Sa inilabas na abiso ng Petron Corporation, P6.20 ang rollback kada kilogram ng household LPG, habang ang Solane naman ay magbabawas ng P6.18 kada kilogram; at ang Auto LPG ay magpapatupad ng P3.37 per liter.
Kasama rin sa nag-rollback ang Phoenix sa kanilang produktong LPG na hindi nalalayo sa anim na piso.
Ikinatuwa naman ito ng mga may-ari ng karinderya tulad ni Aling Rebecca na nasa San Miguel, Manila dahil malaking kabawasan ito sa kanilang budget sa LPG








Comments