P6 dagdag-presyo sa gasoline, P5 diesel, kerosene

ni Gina Plenago @News | September 12, 2026

Photo: File
Malakihang taas-presyo ang namumuro sa mga produktong petrolyo.
Sa pagtataya ng oil industry sources, maglalaro sa P3.00 hanggang P5.00 ang maaaring madagdag sa kada litro ng diesel.
Sa gasolina, mayroon ding namumurong P4.00 hanggang P6.00; habang P3.00 hanggang P5.00 din ang maaaring madagdag sa kada litro ng kerosene.
Ilan pa rin sa tinitingnang dahilan ay ang patuloy na tensyon sa Middle East; pati na rin ang paghina ng Piso kontra dolyar.
Lunes, iaanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang opisyal na price adjustment, at ipatutupad naman ito ng mga oil companies sa Martes.





Comments