top of page
BIDA - COSTUME NI BARBIE BILANG POISON IVY, ISINUOT NA NI SARAH NOON_FB Circulated.jpeg

P50M patong sa ulo ni Bato, tuloy

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 1, 2026



Ronald Bato Dela Rosa - FIle

Photo: File / Ronald Bato Dela Rosa



Mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang nationwide manhunt laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kasunod ng pagtatapos ng isang linggong palugit para sa kanyang boluntaryong pagsuko kaugnay ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).


Ayon kay PNP Deputy Chief Lt. Gen. Wilson Joseph Lopez, bumuo na ng mga espesyal na task group sa lahat ng rehiyon upang mapabilis ang paghahanap sa senador, katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya.


Nakatanggap na rin ang PNP ng maraming impormasyon mula sa publiko kasunod ng pag-aalok ng P50 milyong pabuya, ngunit patuloy pang bineberipika ang mga ito.


Batay naman sa impormasyon ng Bureau of Immigration, hindi pa nakalalabas ng bansa si Dela Rosa.


Binigyang-diin ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na magpapatuloy ang operasyon habang tinitiyak ang pagsunod sa batas at paggalang sa karapatang pantao. Bukas pa rin ang pagkakataon para sa mapayapang pagsuko ng senador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page