Utang ng 'Pinas, lumobo na sa P19.66 trilyon

ni Mylene Alfonso @News | November 1, 2026

Photo: File
Umabot sa record-high na P19.66 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan ng Pilipinas noong Setyembre, ayon sa Bureau of the Treasury.
Tumaas ito ng 0.27% kumpara noong Agosto at 12.63% naman kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
Mula Enero, nadagdagan na umano ng 11.03% o halos P2 trilyon ang utang ng bansa.
Binubuo naman ng domestic debt ang 67.39% ng kabuuang utang, na umabot sa P13.25 trilyon.
Noong Setyembre, mas mataas umano ng P7.66 bilyon ang bagong pangungutang ng pamahalaan sa mga local creditor kumpara sa mga repayment nito.
Nakadagdag din sa utang ang paghina ng piso, kung saan matatandaang umabot sa P62.601 kada dolyar sa pagtatapos ng Setyembre mula P62.209 noong Agosto.
Dahil dito, tumaas ng P1.12 bilyon ang halaga sa piso ng mga dollar-denominated bond na inilabas sa lokal na merkado.





Comments