top of page
TALKIES - BIMBY, GUSTONG MAG-ASAWA NANG MAAGA PARA MAIHATID NINA KRIS AT BOY SA ALTAR_FB B

Pet cremation facility, iniimbestigahan... 29 patay na aso at pusa, itinapon sa bakanteng lote

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | November 1, 2026



29 patay na aso at pusa itinapon sa bakanteng lote sa SJDM - Luna & Furry Siblings

Photo: Ang mga labi ng mga aso at pusa na itinapon sa bakanteng lote sa Bulacan - Luna & Furry Siblings



Natagpuan ang mga labi ng 26 aso at tatlong pusa na nakalagay sa magkakahiwalay na supot at itinapon sa isang bakanteng lote sa San Jose del Monte City, Bulacan.


Ayon sa isang animal welfare group sa social media, may mga supot na may nakasulat na pangalan at timbang ng mga alagang hayop, kaya pinaghihinalaang maaaring hindi maayos na itinapon ng isang pet aftercare provider ang kanilang mga labi.


Bilang bahagi ng imbestigasyon, pinuntahan ng grupo ang anim na veterinary clinic at dalawang pet cremation facility upang makakuha ng mga posibleng impormasyon.

Sa tulong ng PetMed Animal Clinic, isinailalim din sa microchip scanning ang mga natagpuang labi, ngunit walang nakitang microchip.


Kabilang sa mga pangalang nakasulat sa mga supot ang Sakura, Brandon, Akira, Chelsea, Lucky at Ira.


Nanawagan ang grupo sa mga pet owner na kamakailan lamang gumamit ng veterinary, euthanasia o cremation services na tingnan ang kanilang mga rekord at resibo upang malaman kung may tumutugma sa mga natagpuang labi.


Sa ngayon, hindi pa natutukoy ng mga awtoridad kung sino ang responsable sa pagtatapon ng mga bangkay ng mga hayop.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page