P500K daw ang multa… RON, NAGSAMPA NA NG REKLAMO SA NAGPAKALAT NG SEX VIDEO SCANDAL NIYA
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 21, 2026

Photo: IG _ronangeles
Nag-imbestiga ang House of Mentorque, talent management ng aktor na si Ron Angeles, kung sino ang nagpapakalat ng mga sex videos diumano nito at ibinebenta sa Telegram.
Kaya nang unang pumutok ang balitang may sex video ang aktor at ang iba pa tulad nina Nikko Natividad, Gil Cuerva at Arron Villaflor ay hindi kaagad naglabas ng official statement si Ron, base rin sa payo ng kanyang legal counsel at talent management.
Ang tanging post lang ni Ron sa kanyang Facebook (FB) account ay “Relax lang kayo r’yan,” dahil may ginagawang hakbang na ang kampo niya.
Matatandaang huling linggo ng Pebrero 2026 ay kaliwa’t kanang blind items ang naglabasan na may mga lalaking artista ang nagpapakalat ng kanilang sex video at ibinebenta raw ito na galing mismo sa babaeng nakasama nila sa kuwarto.
Hanggang sa pinangalanan na ang apat at tinawag silang ‘Big Four’ at ito’y sina Nikko Natividad, Gil Cuerva, Arron Villaflor at Ron Angeles.
Unang nagsalita at umamin si Nikko sa eksklusibong panayam nito kay Ogie Diaz dahil at stake na ang relasyon nilang mag-asawa na muntik nang umabot sa hiwalayan, kaya laking-pasalamat ng dating mananayaw ng grupong Hashtag at aktor na hindi siya iniwan ng kanyang misis.
Inamin ni Nikko na kasalanan niya ang lahat dahil nga gumawa siya ng kasalanan sa likod ng asawa at nabanggit din niyang hindi pa niya naisip na magsampa ng reklamo dahil prayoridad niya ang pagsasama nilang mag-asawa.
Si Gil ang sumunod na naglabas ng statement sa kanyang Instagram (IG) account at inaming kinunan ito nang wala siyang pahintulot. Private moment daw niya ito pero nangyari na kaya nag-iisip din siya kung idadaan ito sa legal na paraan. Pero ang siniguro niya, “Life goes on.”
Samantala, ang pahayag naman ng kasalukuyang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng ikalawang Distrito ng Tarlac na si Arron Villaflor ay lumang video na ito at kuha sa mga eksena niya sa pelikulang nagawa niya noon pa.
Naglabas na ng official statement kahapon, Marso 20, 2026, ang House of Mentorque tungkol sa video scandal ni Ron.
“In recent weeks, several intimate videos involving known personalities have circulated online, including one involving our talent, Ron Angeles. What was believed to be a private encounter was recorded without consent and has reportedly been distributed and sold over an extended period.
“Let us be clear: this is not an isolated incident. Through coordination with authorities, we have uncovered that the individual involved is part of a larger, organized network engaged in the illegal recording, distribution, and exploitation of victims. This is a grave and deeply disturbing criminal enterprise.”
Nabanggit ding pormal nang nagsampa ng kaso si Ron at hinihikayat din ng House of Mentorque ang ibang biktima ng video scandal na magsampa ng kaukulang kaso.
Pahayag nila, “Ron Angeles has formally filed a complaint. We are fully committed to pursuing this case relentlessly until every individual involved is identified, held accountable, and brought to justice.
“We call on other victims to come forward. You are not alone. We are ready to support you and stand with you in seeking justice.
“To anyone with information that may aid this investigation, we urge you to step forward. Your cooperation is critical in dismantling this operation and ending this cycle of abuse.
“We also remind the public: sharing, reposting, or engaging with this content is illegal. Every view, every share, and every transaction fuels this exploitation. These individuals have endured unimaginable trauma, and the impact extends beyond them to their families and communities who are also suffering through this deeply distressing experience.
“Let us all act responsibly on social media. The continued sharing and resale of these videos on messaging platforms is a punishable offense. We will pursue not only the perpetrators behind this operation but also those who knowingly participate in the distribution of this illegal content.
“As we observe Women’s Month, let this serve as a reminder: abuse and exploitation know no gender. It can happen to anyone.
“This must end. Help us stop this.”
At sa mga naging biktima ng ganitong krimen at kahit na hindi nakasama ang pangalan sa mga binanggit ay maaaring makipag-ugnayan sa House of Mentorque sa +639690352688.
May multang P100,000 hanggang P500,000 sa nagpakalat ng sex video at ilang taong pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala under Republic Act No. 9995.




Comments