top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P500-K multa sa hindi kikilala sa nat’l ID

BULGAR
Jun 16, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | June 16, 2021


Habang patuloy ang pag-isyu ng pamahalaan ng national ID cards, nagbigay-babala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahaharap sa mabigat na kaparusahan ang sinumang tatangging tanggapin o kilalanin ang Philippine Identification card.


Paliwanag ng ahensiya, ang mga government officials o empleyado na tatangging tumanggap ng Phl ID card ay mahaharap sa lifetime ban sa paghawak ng anumang puwesto sa pamahalaan, kabilang na ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) at subsidiaries ng mga ito, habang ang parusa ay multang P500,000.


Samantala, inatasan ni DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng local government unit sa bansa na tanggapin ang Phl ID card bilang single requirement sa lahat ng transaksiyon sa Pilipinas.


Kasabay nito, hinikayat din ng kalihim ang mga pribadong sektor na ikonsidera ang national ID card bilang ‘sufficient proof of identity’ dahil mayroon itong impormasyon ng rehistradong indibidwal kabilang na ang kanyang larawan, buong pangalan, address, kasarian, marital status at petsa ng kapanganakan, upang maestablisa ang kanyang pagkakakilanlan.


Bagama’t sapat na ang impormasyon na nakasaad sa national ID card, dapat matiyak na hindi ito mapepeke nang sa gayun ay magamit ito nang tama.


Gayunman, dahil umabot na sa 200,000 IDs ang na-isyu ng pamahalaan, hangad nating sumunod ang lahat ng pampubliko at pribadong sektor sa kautusang hindi dapat tanggihan ang national ID card nang walang sapat na dahilan.


At kung may mapatutunayang lumabag, tiyaking maparurusahan ito upang magsilbing paalala na seryoso tayo sa usaping ito.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page