top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P500-K multa at 5 yrs. pagkakakulong sa magdi-discriminate sa taong may AIDS/HIV

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 15, 2022



Dear Chief Acosta,


Ako ay may acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) at dahil alam ito ng aming punong barangay, sinabi niyang hindi ako maaaring lumabas ng aking inuupahang bahay hangga’t wala akong escort na tanod. Pinaalis din ako sa apartelle na aking inuupahan nang malaman nila ang ‘hindi nakasulat’ na direktiba ng aming kapitan. - Courtney


Dear Courtney,


Para sa inyong kaalaman, ang Republic Act (R.A) No. 11666, o mas kilala bilang Philippine AIDS and HIV Policy Act ang siyang batas na angkop sa inyong katanungan. Ayon sa Section 49 (c) at (d) ng Article VII ng naturang batas


“SEC. 49. Discriminatory Acts and Practices. - The following discriminatory acts and practices shall be prohibited:

xxx xxx xxx

(c) Restriction on Travel and Habitation. - Restrictions on travel within the Philippines, refusal of lawful entry to Philippine territory, deportation from the Philippines, or the quarantine or enforced isolation of travelers solely or partially on account of actual, perceived, or suspected HIV status is discriminatory. The same standard of protection shall be accorded to migrants, visitors, and residents who are not Filipino citizens;

(d) Restrictions on Shelter. - Restrictions on housing or lodging, whether permanent or temporary, solely or partially on the basis of actual, perceived, or suspected HIV status”


(Binigyang-diin)


Maliwanag sa nabanggit na batas na ipinagbabawal ang diskriminasyon sa sinumang tao kaugnay sa maaaring kondisyon niya sa pagkakaroon ng AIDS o HIV (human immunodeficiency virus). Base sa Section 50 (g), Article VII ng nasabing batas, maaaring makulong ng anim na buwan hanggang limang taon, at/o pagmultahin ng hindi bababa sa P50,000, ngunit hindi hihigit sa P500,000 ang sinumang lalabag sa partikular na nabanggit na probisyon ng batas. Maaari rin, base sa diskresyon ng hukuman, na patanggalan ng lisensiya ang mga negosyong napatunayang nanghamak ng tao base sa kanyang estado bilang taong may kondisyon ng AIDS o HIV, kahit pa hinuha lamang ito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page