top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P50 M na raw ang nagagastos… ROBIN, TAKOT SA UTANG NA LOOB, AYAW TUMANGGAP NG DONASYON

BULGAR
Apr 10, 2022
4 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | April 10, 2022



Pinabilib ni Robin Padilla ang mga netizens sa exclusive interview sa kanya ni King of Talk Boy Abunda sa The Interviewer Presents: Senatorial Candidate Robin Padilla sa YouTube channel ng TV host.


Para sa mga netizens ay naipaliwanag nang mabuti ni Robin ang isinusulong niyang federal form of government sa kanyang pagtakbo bilang senador ngayong halalan.


“Wow… I didn't expect Robin Padilla to be politically knowledgeable. Now I understand how Federal government works. Go, Robin, go!”


“In my 34 years of existence, ngayon ko lang naintindihan ang federalismo. Salamat, Idol Robin, number 1 ka talaga sa balota ko kahit walang interview ni Tito Boy. Salamat, Tito Boy, for giving Robin a chance to voice out his side of thoughts. God bless us all.”


Siyempre, sa isang interbyu, kailangang mahusay at nakikinig din ang mag-iinterbyu sa subject niya para mailabas ang best at nasasaloob ng iniinterbyu.


“Si Tito Boy ang pinakagusto kong interviewer, NAPAKATALINO at talagang BEST LISTENER. Ang interviewee rin na si Idol Robin, NAPAKALINAW sumagot, may galang, may "PO" pa. IDOL talaga.”


“Ang sarap pakinggan ng interview na ito. Salamat, Tito Boy, at salamat, Robin. God bless both of you. Good luck, Robin!”


Ilan sa matatapang na tanong ni Kuya Boy kay Robin during the interview ay ang tungkol sa ipinu-push noon ni Pres. Duterte during his campaign about federalism.


Tanong ni Kuya Boy kay Robin, “With all the powers of President Duterte, with all his popularity, with the support of the people, bakit hindi niya naipaglaban nang husto ang pederalismo?”


“Ito namang kay Presidente Duterte, pumasok naman ang pandemya. Hindi na itinulak,” sagot ni Robin.


Pero ipinaalaala ni Kuya Boy kay Robin na isa kasi ang federalism sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte during his campaign as a presidentiable.


“Hindi kasi, 'isa 'yan sa kanyang mga pangako, eh,” sambit ni Kuya Boy, na inayunan naman ni Robin, “Opo, 'yun nga po, eh.”


Nabusisi rin ni Kuya Boy kay Robin kung paano niya nasusuportahan ang kanyang kandidatura sa usaping pinansiyal.


“Wala akong tinatanggap na kahit na ano’ng donasyon. Kahit kanino, lalung-lalo na sa mga contractors, sa mga negosyante dahil ayokong magkaroon ng utang na loob.


“Sa akin, ‘yan ang magiging unang kalaban mo. Tatahimik ka d’yan, eh, kapag marami kang utang na loob. Kasi, ang unang-unang masasagasaan sa federal form of government, alam naman natin, mga negosyante,” esplika ni Robin.


Pag-uusisa pa ni Kuya Boy kay Robin, “Eh, paano ka nangangampanya?"


“Ang laki naman po ng benta ng Cooking Ina, eh,” sabay tawa ni Robin.


Pati si Kuya Boy ay natawa rin sa sagot ni Robin.


Ang tinutukoy ni Robin na Cooking Ina ay ang live online show ng misis niyang si Mariel Rodriguez. Nagbebenta rin dito si Mariel ng pagkain gaya ng imported angus beef.

“Meron naman pong nagbibigay basta kilala ko. Halimbawa, ‘yung mga dati kong commercials. Okey po sa akin ‘yun.


“Pero ‘yung mga taong hindi ko (kilala), ang dami noon, Tito Boy. ‘Yung hindi mo kilala, lalapitan ka, ‘Bigyan kita ng ganitong halaga.’ ‘Aba’y sino po ba kayo?’


“Magugulat ka po talaga, eh. Talagang limpak-limpak na salapi, Tito Boy. Kaya lang, kapag tinanong mo, may sugarol.”


Si Robin lang din daw mismo ang namimili kung sinu-sino lang ang mga tatanggapan niya sa mga nag-aalok ng tulong para sa kanyang kampanya.


“Kapag hindi ko rin talaga kilala, Tito Boy, natatakot ako,” pag-amin ni Robin.


Napakalaking halaga ang kailangan ng isang senador na kumakandidato, ayon kay Kuya Boy.


Agree naman pareho sina Kuya Boy at Robin na mahigit sa P110 M aabutin ang gastos ng isang senatorial candidate.


“Kami lang po, kami-kami lang siguro, ano na ako, singkuwenta (P50 milyon) na. Ganoon na po. Wala pa po akong TV ads, ha? Magkano ang TV ad ngayon? Nasa P700 K (for) 30 seconds,” pagbubulgar pa ni Robin.


Say ni Kuya Boy, nakabawas na sa gastos ni Robin ang endorser dahil kilala na si Robin ng madlang pipol.


No wonder kung bakit ganu'n na lang kasipag ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez sa kanyang online selling ng mga pinakatatagu-tago niyang branded bags and shoes. Na minsan, kapag nanonood si Robin ay siya na rin ang bumibili dahil knows niya kung gaano ka-precious kay Mariel ang ibinebentang gamit ng ex-PBB host.


Pati mga pinagkaliitang damit ng mga anak nina Robin at Mariel na sina Isabela at Gabriella ay pinagbebenta na rin ni Mariel para makatulong sa panggastos sa kampanya ng kanyang senatoriable na mister.

Kulang na lang, pati ang mala-palasyong bahay na regalo kay Mariel ni Robin ay ibenta na rin ng former Pinoy Big Brother host.


Pero sa dami ng mga bumili sa ilang gabing pagpupuyat ni Mariel sa kanyang live online selling, siguro naman ay ‘di na kailangang ibenta ang mala-palasyong bahay nila sa South.


Patunay lang ‘yan kung gaano kamahal at laki ng paniniwala ni Mariel sa mga hangarin ni Robin para sa mga Pilipino.


Naku, kaya bang gawin ‘yan ng mga celebrity wives — kahit ‘wag na muna ‘yung girlfriend pa lang ng mga senatorial candidates — sa kanilang mister na tumatakbo ngayong eleksiyon?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page