top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

P50-K multa sa magpapatunog ng fire alarm kahit wala namang sunog

  • BULGAR
  • Jul 9, 2022
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 9, 2022


Dear Chief Acosta,


Ang aking kapitbahay ay sinadyang patunugin ang fire alarm sa aming subdivision at sumigaw na may sunog na nagaganap kahit alam naman niyang hindi ito totoo. Sinabi niya na siya ay nagbibiro lamang at nagawa niya ito dahil sa kalasingan. May pananagutan ba siya sa kanyang ginawa? - Maan


Dear Maan,


Ang batas na sasaklaw tungkol sa iyong katanungan ay ang Republic Act No. 9514 o mas kilala bilang Fire Code of the Philippines. Nakasaad sa Section 8 ng nasabing batas:


SECTION 8. Prohibited Acts. — The following are declared as prohibited act and omission: xxx


Giving false or malicious fire alarms…xxx”

Kaugnay into, nakasaad sa Section 12.0.0.4 ng Revised Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas:

“SECTION 12.0.0.4. Schedule of Fees and Fines. —|||


5. Failure to observe the following declared prohibited acts and omissions as required under Section 8 of Republic Act No. 9514.|||


i. Giving false or malicious fire alarms. PhP37,500 to PhP50,000” |||


Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang pagbibigay ng hindi totoo o malisyosong fire alarm ay ipinagbabawal. Nakasaad rin sa kaakibat nitong IRR na ang pagbibigay ng hindi totoo o malisyosong fire alarm ay maaaring pagmultahin ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng halagang hindi bababa sa PhP37, 500 at hindi hihigit sa halagang PhP50, 000.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page