P50 dagdag-sahod, siguraduhing ipinatutupad ng employers — DOLE
- BULGAR
- Jul 20
- 1 min read
ng BRT @Business News | July 20, 2025

Photo File / DOLE
Pinasisigurado ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sinusunod ng mga private employer sa Metro Manila ang P50 minimum wage increase na naging epektibo noong Hulyo 18.
Ang naturang dagdag-sahod ay inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) noong Hunyo kung saan makikinabang 1.2 milyong manggagawa sa NCR.
Dagdag pa ng DOLE, i-report agad sa ahensya ang mga employer na hindi susunod dito.
Comments