5 employer 'di- nag-remit sa SSS, bayad ng P3.19M

ni Mervin Reyes @News | October 14, 2026

Photo: SSS / FIle
Binigyan ng Social Security System (SSS) ng 15 araw ang limang employer sa Pasay City upang bayaran ang kabuuang P3.19 milyon na hindi na-remit na kontribusyon ng kanilang mga empleyado at kaukulang multa, kung hindi ay mahaharap sa kasong kriminal.
Ayon sa SSS, binubuo ang utang ng P1.14 milyon na hindi na-remit na kontribusyon at P2.05 milyon na penalties dahil sa paglabag sa Social Security Act of 2018.
Hindi pinangalanan ng ahensiya ang mga employer, ngunit kabilang sa kanilang mga negosyo ang management consultancy, restaurant, real estate, car wash at sugal.
Pinakamalaki ang pagkakautang ng isang restaurant na umabot sa P2.25 milyon, kabilang ang P739,000 na hindi na-remit na kontribusyon at P1.51 milyon na multa.
Natuklasan sa records ng SSS na hindi nito naihulog ang kontribusyon ng 35 empleyado.
“Every employer is required by law to deduct and remit social security contributions on behalf of their employees. Failure to do so not only violates the law but also deprives workers of their rightful benefits,” ani SSS president at chief executive officer Robert Joseph de Claro.





Comments