top of page
BIDA - RURU, UMAMING NAG-CHEAT KAY BIANCA-G _rurumadrid8.jpg

P5 rollback sa diesel, gasoline

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 9, 2026



P5 rollback sa diesel, gasoline

Photo: File



Posibleng bumaba nang hanggang P5 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo kasunod ng paghupa ng tensyon sa Gitnang Silangan at paglakas ng piso laban sa dolyar.


Batay sa galaw ng Mean of Platts Singapore (MOPS) at average foreign exchange rate sa nakalipas na apat na araw, tinatayang nasa P4.50 hanggang P5 kada litro ang maaaring ibaba sa presyo ng diesel at gasolina, ayon sa isang source mula sa industriya ng langis.

Nakatulong din umano sa inaasahang rollback ang paglakas ng piso laban sa dolyar ngayong linggo.


Karaniwang inaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang kanilang price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad kinabukasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page