top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

P5-K multa at 4yrs. pagkakakulong sa magbebenta ng karne ng aso

BULGAR
Sep 16, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 16, 2021


Dear Chief Acosta,


Ang aming kapitbahay ay ilegal na nag-aalok ng karne ng aso sa aming subdivision. Sinabihan na namin siyang tumigil, ngunit patuloy pa rin niyang ginagawa ito. Ano ang maaaring maging kaparusahan niya para rito? – Bebang


Dear Bebang,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Sec. 11 (7), ng Republic Act no. 9482 o mas kilala sa tawag na “Anti-Rabies Act of 2007” kung saan nakasaad na:


“Sec. 11. Penalties. - x x x


(7) Any person found guilty of trading dog for meat shall be fined not less than five thousand pesos, (P5, 000) per dog and subjected to imprisonment for one to four years.” (Binigyang-diin)


Samakatwid, malinaw sa batas na maaaring maparusahan ang sinumang mahuhuli na nagbebenta o sangkot sa pagkakalakal ng dog meat o karne ng aso sa pamamagitan ng pagbabayad ng halagang limang libong piso (P5, 000) kada aso, at pagkakakulong magmula isa (1) hanggang apat (4) na taon.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page