top of page
Search
  • BULGAR

P5.7T budget sa 2024, mga trapo paldo, mahihirap nganga

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 8, 2023


KAYA NASABIHAN NI SEN. KOKO SI P-BBM NA WALANG PAKI SA MAHIHIRAP KASI KAKARAMPOT LANG PONDO SA MGA POOR, PERO CONFI FUNDS ANG LAKI -- Sa isinumiteng proposed P5.7 trillion national budget para sa year 2024 ay kakarampot lang ang nakapaloob ditong ayuda o tulong sa mga mahihirap na Pilipino, pero ang kamangha-mangha rito ay ang nakakalulang P9.2 billion confidential fund at P1.4 billion travel fund ng Office of the President (OP) para sa year 2024.


Dahil d’yan, nasabihan tuloy ni Senate Minority Leader Sen. Koko Pimentel si P-BBM na walang paki sa mga mahihirap na Pilipino, period!


◘◘◘


SABWATAN NG MGA TRAPO SA PAGPAPARTE-PARTE YEARLY SA KABAN NG BAYAN -- Hindi lang si P-BBM ang humihirit sa Senado at Kongreso ng nakakalulang confidential fund, kundi pati si Vice Pres. at Dept. of Education Sec. Sara Duterte-Carpio at ang ibang miyembro ng gabinete, at tiyak na aaprubahan naman ‘yan ng pro-Marcos-Duterte senators and congressmen dahil tiyak din namang hihirit ang mga senator at congressman sa Presidente na aprubahan din ang isisingit nilang dagdag-pork barrel sa national budget.


‘Yan ang nakakalungkot na nangyayari sa ‘Pinas, na ‘yung mga trapo (traditional politicians) ay tila nagsasabwatan sa pagpaparte-parte sa kaban ng bayan, mga buset!


◘◘◘


KAPAG ANG MGA TRAPO, WALA NANG CONFI AT PORK FUNDS, TIYAK WALANG MAGHIHIRAP NA PINOY -- Dapat mga law enforcement agency lang ang may confidential funds at walang ganyang pondo ang mga trapo, at sa kabilang banda naman, may desisyon na noon ang Supreme Court (SC) na bawal na sa mga sen. at cong. na magkaroon ng pondo para sa kanilang mga pork barrel dahil ang mandato ng mga senador at kongresista ay gumawa ng mga batas para sa kapakanan ng bayan at mamamayan at hindi dapat nagpapagawa ng mga proyekto.


Ang nais nating ipunto rito ay kung walang confidential at pork barrel funds ang mga trapo, tiyak na walang maghihirap na Pinoy kasi sa totoo lang, ang halos 1/4 ng yearly national budget ay napupunta sa "confi at pork" funds, puwera pa r’yan ang kickback ng mga “buwaya” sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan, tsk!


◘◘◘


MAY IBINIBIGAY NAMAN PALANG CONFI AT INTEL FUNDS SI MAYOR MAGALONG KAY COL. LONOGAN, PERO MGA RAKET SA BAGUIO CITY HINDI NAMO-MONITOR NG HEPE -- Inamin ni Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City na meron din siyang confidential at intelligence funds, pero ang pondong ito ay sa Baguio City Police Station niya ibinibigay.


‘Yun naman pala, may confidential at intelligence funds na ibinibigay si Mayor Magalong kay Baguio City chief of police Col. Glenn Lonogan, pero ang kataka-taka lang kung bakit tila hindi namo-monitor ng nabanggit na hepe na tuloy pa rin ang raket na color games at drop balls nina "Edna" at "Jimmy" at "Nestor" sa Magsaysay Road at Kayang Hill Top, at mini-casino ni "Patrick" sa Legarda Road at Bokawkan Road, pawang sa lungsod na ito, boom!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page