top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P5.6 billion imprastraktura, sinira ni ‘Rolly’

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2020
1 min read

ni Lolet Abania | November 2, 2020




Umabot sa P5.6 billion halaga ng mga imprastraktura ang napinsala ng Bagyong Rolly, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).


Sa ginanap na briefing kanina ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ng mga opisyal ng gobyerno, ini-report ni DPWH Sec. Mark Villar na maraming infrastructure ang nasira na umabot sa halagang P4.5 billion sa Region 5.


Gayundin, ayon sa mga naitalagang kawani ng DPWH sa nasabing rehiyon, ang inisyal na halaga ng napinsalang mga daan ay P558 million, P452 million ang mga nasirang tulay, ang flood control ay P1.8 billion, ang mga nawasak na gusali ay P1.358 million at mga nagibang pampublikong gusali na P352 million.


Ayon pa kay Villar, ang infrastructure damage sa Region IV-A ay umabot naman sa P1.1 billion.


Gayunman, nagsasagawa na ng clearing operations ang ahensiya sa mga probinsiya kung saan nagtalaga ng 4,900 personnel at may 776 iba’t ibang heavy equipment na kanilang gagamitin sa pagsasaayos ng mga lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page