top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P5.2M cash assistance ng PCSO sa Cagayan, Kalinga at Nueva Vizcaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2021
  • 2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 03, 2021





Hello, Bulgarians! Mula sa mahabang linggong pagdiriwang ng ika-87 Anibersaryo, nakipag-ugnayan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ating mga kababayan sa pagbibigay ng iba’t ibang tulong sa Norte.


Kamakailan, bumisita si Vice-Chairperson at General Manager Royina Marzan Garma sa Cagayan upang ibigay ang tulong sa Cagayan, Nueva Vizcaya at Kalinga. Kasama niya si Northern and Central Luzon Department Manager Maria Lourdes Soliman, Cagayan Branch Manager Mr. Heherson Pambid at ang mga Branch Head sa mga kalapit na probinsiya. Ang turnover activity ay ginanap sa Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City, Cagayan.


Kabuuang halaga ng P5.2-M na tulong na binubuo ng food packs, gamot, medical supplies at kagamitan ang ibinigay sa mga Munisipyo ng Cagayan na kinabibilangan ng Aparri,

Camalaniugan, Sta. Ana, Rizal, Sta. Praxedes, Iguig, Sanchez Mira, Sto. Niño, Baggao, Tuao, Buguey, Abulugm Pamplona, Sta. Teresita, Lasam, Solana at Tuguegarao City; Ang mga munisipalidad ng Nueva Vizcaya na binubuo ng Bagabag, Sta. Fe, Bayombong, Kayapa, Solano, Dupax del Norte, Villaverde, Diadi, Quezon, Aritao at Bambang; at Munisipyo ng Kalinga kabilang ang Balbalan, Rizal, Pasil, Pinukpuk at Tabuk City. Ang iba pang nakatanggap ng nasabing tulong ay ang Cagayan PNP Provincial Office, PNP Regional Office 02, Solana Christian Fellowship, University of Saint Louis – Tuguegarao City, Cagayan Bureau of Fire Protection, Kalinga Provincial Hospital at Nueva Vizcaya Provincial Integrated Health Office.


Binanggit ni GM Garma na ang iba’t ibang tulong na ibinigay ay bahagi ng mga proyekto ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng ahensiya, bilang karagdagan sa tulong-medikal ng programa at serbisyo ng kawanggawa nito. Ito ang paraan ng PCSO para ibalik sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa mga produkto ng ahensiya.


Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, umapela si GM Garma sa mga naroroon sa aktibidad na suportahan ang mga produkto ng PCSO at gayundin sa mga dati nang tumatangkilik, na patuloy na maging katuwang ng ahensiya sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto, digit games, at ticket ng STL. “Nakikiusap po ako sa inyo, suportahan po natin ang mga larong may puso ng PCSO dahil kung wala pong tataya sa aming mga laro, wala rin po kaming magagamit na pantulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong-medikal at wala rin po kaming maibibigay ng tulad ng mga ipinamigay namin ngayon,” sabi ni GM Garma.


Bilang tugon sa tulong ng PCSO, nagpapahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat at mensahe ng pagkilala sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga sinabi ni Dra. Sheena Bangcaya ng Kalinga Provincial Hospital at Mayor ng Asela Sacramed ng Sanchez Mira, Cagayan “No amount of words can express how thankful we are to PCSO.” Habang ibinahagi kung gaano sila kasaya at nagpapasalamat hindi lang sa mga natanggap nilang tulong noong araw na iyon, kundi sa lahat ng mga naunang tulong na ipinaabot sa kanila ng PCSO tulad ng ambulansiya at mga gamot.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page