P48B ilalaan ng UK sa France kontra illegal migrant crossings
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @News | April 24, 2026

Maglalaan ang United Kingdom ng hanggang £660 million (P48.18B) sa France sa loob ng tatlong taon bilang bahagi ng bagong kasunduan upang pigilan ang pagdami ng illegal migrant crossings sa English Channel.
Ayon sa mga opisyal, gagamitin ang pondo para palakasin ang seguridad sa baybayin ng northern France, kung saan naitatala ang libo-libong pagtatangkang pagtawid ng mga migrante patungong United Kingdom.
Batay sa datos, umabot sa humigit-kumulang 41,000 katao ang tumawid sa Channel noong 2025, na halos kapantay ng record noong 2022.
Sa ilalim ng kasunduan, £500 million (P36.5B) ang ilalaan para sa pagpapalakas ng enforcement operations, kabilang ang pag-deploy ng humigit-kumulang 1,100 pulis, intelligence operatives, at military personnel sa mga coastal areas.




Comments