top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 14, 2026



UK Gov’t., maglalagay ng mas malinaw na babala sa student loans

Photo: FP / File



Babala sa mga kukuha ng student loan ang ipatutupad ng UK government matapos batikusin ang dating paraan ng pagpapaliwanag sa mga kondisyon ng utang.


Inamin ng gobyerno na kailangang gawing mas malinaw ang guidance para malaman ng mga estudyante na maaaring baguhin ang terms ng kanilang loan habang ito ay binabayaran.


Naging usapin ito matapos i-freeze ang repayment threshold ng Plan 2 loans sa England sa £29,385 (P2.4M) sa loob ng tatlong taon mula Abril 2027. Dati, inaasahan ng ilang estudyante na tataas ang threshold kasabay ng inflation.


Ayon sa Treasury Committee, may “moral obligation” ang gobyerno na bawiin ang freeze upang maibalik ang tiwala ng mga estudyante. Gayunman, hindi ito nangako ng pagbabago sa kasalukuyang polisiya.


Tumanggi rin ang gobyerno na gawing fixed contract ang student loans dahil kailangan nitong baguhin ang sistema kapag nagbabago ang economic conditions.


Samantala, 121 MPs at peers ang nanawagan para sa agarang review ng repayment system, dahil anila, mabigat ang epekto nito sa middle-income graduates tulad ng mga guro, nurse at engineer.

 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | August 26, 2026



Asylum seekers - PA Media

Photo: File / Asylum seekers - PA Media



Apatnapung batang asylum seeker na nawawala mula sa mga hotel sa United Kingdom (UK) ang hindi pa rin natatagpuan, ayon sa parliamentary report.


Noong 2023, naiulat na mahigit 440 unaccompanied asylum-seeking children ang nawawala mula sa mga hotel na ginagamit ng Home Office bilang pansamantalang tirahan. Ayon sa Department for Education, umabot sa 472 ang kabuuang nawawala, ngunit 432 na ang natagpuan.


Nanawagan ang Joint Committee on Human Rights sa Home Office na paigtingin ang paghahanap sa mga nawawalang bata, imbestigahan kung bakit sila nawala at tiyaking hindi na mauulit ang insidente. Hiniling din ang regular na update kada tatlong buwan tungkol sa search operations.


Ilang batang natagpuan na umano ang napunta sa mga sitwasyong mapagsamantala at maaaring naging biktima ng human trafficking o iba pang uri ng exploitation.


Kasabay nito, pinuna ng Equality and Human Rights Commission ang UK government dahil sa umano’y kakulangan sa proteksyon at social security support para sa asylum seekers.


Samantala, patuloy na binabawasan ng pamahalaan ang paggamit ng asylum hotels. Karagdagang 13 hotel ang isinara ngayong buwan, na inaasahang makatitipid ng £51 milyon (P3.86 bilyon) at magpapababa sa bilang ng asylum hotels sa wala pang 160, mula sa tinatayang 400 noong nakaraang administrasyon.


Iginiit naman ng pamahalaan na patuloy itong nakikipagtulungan sa pulisya at local authorities upang mahanap ang mga batang nananatiling nawawala.


 
 

ni Jenny Rose Albason @News | April 24, 2026



Illegal migrants - photo Hannah McKay-Reuters


Maglalaan ang United Kingdom ng hanggang £660 million (P48.18B) sa France sa loob ng tatlong taon bilang bahagi ng bagong kasunduan upang pigilan ang pagdami ng illegal migrant crossings sa English Channel.


Ayon sa mga opisyal, gagamitin ang pondo para palakasin ang seguridad sa baybayin ng northern France, kung saan naitatala ang libo-libong pagtatangkang pagtawid ng mga migrante patungong United Kingdom.


Batay sa datos, umabot sa humigit-kumulang 41,000 katao ang tumawid sa Channel noong 2025, na halos kapantay ng record noong 2022.


Sa ilalim ng kasunduan, £500 million (P36.5B) ang ilalaan para sa pagpapalakas ng enforcement operations, kabilang ang pag-deploy ng humigit-kumulang 1,100 pulis, intelligence operatives, at military personnel sa mga coastal areas.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page