P40.8M shabu at mga armas, nasamsam, 3 timbog

ni Benjamin Chavez @News | September 16, 2026

Photo: PDEA Calabarzon
Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa anim na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon sa isang buy-bust operation sa Sitio Dulong Bangiad, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal, madaling-araw nitong Setyembre 14.
Tatlong suspek ang naaresto na sina alyas Diogen, 32; Muhammad, 31, at Eddienel, 43, na pawang residente ng lugar. Nakatakas naman si “Abdila”.
Nakumpiska rin ang M1 carbine, M16 rifle, apat na .45 caliber pistol, mga magazine at bala, digital weighing scale, cellphone at buy-bust money.
Pinangunahan ng PDEA Region IV-A ang operasyon kasama ang PCG Rizal at PNP Regional Intelligence Unit 4A-PIT.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, mahalaga ang mga pag-aresto ngunit magpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng operasyon at ang buong network ng sindikato.





Comments