P4-M ibinulsa ni Eala sa Berlin Open vs. Noskova
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 22, 2026

Photo: Circulated
Kumubra ng mahigit P4 milyon at karagdagang ranking points sa Women’s Tennis Association si Filipina Tennis star Alexandra “Alex” Eala matapos ang semifinal stint sa Vanda Pharmaceuticals Berlin Tennis Open na nagtapos kahapon ng madaling araw kasunod ng 2-6, 4-6 straight-set pagkatalo kay World No. 13 Linda Noskova ng Czech Republic sa Steffi Graf Center Court sa Berlin, Germany.
Nahirapang masabayan ng 21-anyos na Pinay tennis star ang mga birada ng pambato ng Czech Republic simula pa lang ng first set, na na-delay dahil sa pag-ulan.
Nakatakdang makatapat ni Noskova si World No.4 Jessica Pegula ng US sa finals, matapos silatin si World No.1 Aryna Sabalenka sa semis matchup.
Bagaman nagtapos na ang Cinderella rin ni Eala, nakakuha ito ng 195 puntos sa semifinal stint, kung saan tinalo ang mga bigating manlalaro na sina 2024 Paris Olympic silver medalist Donna Vekic ng Croatia sa round-of-32; World No.2 Elena Rybakina ng Kazakhstan sa round-of-16 at World No.8 Elina Svitolina ng Ukraine sa quarterfinals sa iskor na 6-3, 6-4 para unti-unting makabalik sa dating career-high na World No. 29, kung saan kasalukuyan itong nakatayo sa World No.35.
Dahil sa nakuhang puntos, posibleng bumaba na ito pabalik sa Top 30 ng WTA rankings, matapos masilayan ito sa 30 ng Live WTA rankings matapos umangat sa 1,557.
Nagbulsa rin ang tubong Quezon City ng 57,395 pounds o 66,004 US Dollars at aabot ng mahigit sa P4- M piso sa semifinalists. “I think I’m getting better, I hope I’m getting better being exposed to this kind of level more often. It really pushes you to your limits and forces you to showcase what you’ve got. Some weeks are better than others and I’m really enjoying this ride,” wika ni Eala.





Comments