P4.60 dagdag-presyo sa diesel, P4 gasoline, P0.50 kerosene
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 2, 2026

Photo: File
Kinumpirma ni Energy Sec. Sharon Garin na magkakaroon ng oil price hike sa Martes, Mayo 5, matapos muling tumaas ang presyo sa world market bunsod pa rin sa krisis sa Middle East.
Tataas ang presyo ng diesel ng P4.60 kada litro, P4.00 naman sa gasoline habang P0.50 sa kerosene.
Una na ring nagbabala ang Department of Energy (DOE) na posibleng tumaas ang presyo ng langis sa susunod na linggo dahil sa patuloy na paghina ng piso laban sa dolyar.




Comments