P4.60 dagdag-presyo sa diesel, P1 gasoline, P2.30 kerosene
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 14, 2026

Photo: File
May panibagong pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo simula ngayong araw, Hulyo 14.
Batay sa naunang pagtataya ng Department of Energy (DOE), inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.62 hanggang P4.62 kada litro, habang ang gasolina ay maaaring bumaba o tumaas ng hanggang P1 kada litro. Posible ring tumaas ang presyo ng kerosene ng P2.22 hanggang P4.22 kada litro.
Inihayag ng Shell Pilipinas na epektibo alas-6 ng umaga ng Martes ang mga sumusunod na dagdag-presyo: P1.00 kada litro sa gasolina, P4.60 kada litro sa diesel, at P2.30 kada litro sa kerosene.
Ayon sa mga analyst, nananatiling mataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa tensyon sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran.





Comments