Search
  • BULGAR

P4.506 T 2021 National Budget, ipinasa na sa Senado

ni Thea Janica Teh | October 27, 2020




Natanggap na ng Senado ngayong Martes ang General Appropriations Bill o ang panukalang budget para sa taong 2021, isang araw bago ang ipinangakong petsa ng bagong House Speaker na si Lord Allan Velasco.


Ayon kay Senator Sonny Angara na siya ring chairperson ng Senate Committee on Finance, natanggap na umano nila ang General Appropriations Bill ngayong Martes nang hapon na umaabot sa P4.506 trilyon. Pagkatapos nito ay ipapasa na nila sa Legislative Budget Research and Monitoring Office.


Nagpapasalamat naman si Senate President Vicente Sotto III sa House Speaker sa swift transmission at sinabing malaking tulong ang pagpasa ng budget bago mag-Pasko.


Aniya, “It’s even one day ahead of my original request that they send it on the 28th. This will somehow ease the burden on us to insure the passage and signing of PRRD before Christmas."

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.