top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

P36M drugs, buking sa parcel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | August 26, 2026



Ang mga nakuhang iba't ibang droga ng Bureau of Customs (BoC) mula sa 13 abandonadong parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay.

Photo: Ang mga nakuhang iba't ibang droga ng Bureau of Customs (BoC) mula sa 13 abandonadong parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay. (Gina Pleñago)



Tinatayang mahigit sa P36.1 milyong halaga ng iba't ibang uri ng ilegal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) mula sa 13 inbound abandonadong parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.


Ang mga naturang parcel ay nagmula sa Netherlands, Estados Unidos, Alemanya, India, Thailand at Poland, na naka-consingnee sa Pasay, Parañaque, Bacoor, Cavite, Tanza, Maynila, Quezon, Rizal at Mandaluyong.


Ang mga kahina-hinalang imahe na nakita sa X-ray screening ng mga tauhan ng Customs ang nag-udyok ng karagdagang inspeksyon.


Nakuha mula sa 13 pakete ang humigit-kumulang 9,695 gramo ng ilegal na droga at 3,756 na hinihinalang ecstasy tablets, marijuana kush, shabu at ketamine na nagkakahalaga ng P36,159,900.


Ang mga nakumpiskang droga ay dinala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa National Office sa Lungsod ng Quezon para sa nararapat na legal na imbestigasyon at tamang disposition.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page