P369.44M droga, naharang sa NAIA

ni Gina Plenago @News | November 27, 2026

Photo: BOC
Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang shipment na naglalaman ng high grade marijuana mula sa Thailand.
Ayon sa BOC-NAIA naharang ang parehong mga padala batay sa impormasyon mula sa Thailand Customs at cargo profiling kung saan idineklara ang laman nito na truck side mirrors at assorted children’s plastic toys.
Habang dumadaan sa regular x-ray screening at manual inspection ang nasabing mga kargamento, nadiskubre ng mga tauhan ng Customs ang 307.866 kilo ng high-grade marijuana o kush, na aabot sa higit sa P369.44 milyon ang halaga.
Naka-consignee sa Bulacan at Caloocan City ang mga shipment at patuloy na iniimbestigahan kung sino ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng droga sa bansa.





Comments