P30K na pabuya, ayaw pang kagatin… MYRTLE, GUSTONG PERAHAN NG KUMUHA NG PHONE NIYA
- BULGAR

- 10 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 16, 2026

Photo: IG _myrtlegail
Nawalan ng cellphone ang aktres-cosplayer na si Myrtle Sarrosa sa event ng ToyCon na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Nagbigay siya ng update tungkol sa kanyang nawawalang phone.
Ayon kay Myrtle, nag-alok siya ng P30 thousand reward para sa sinumang makapagsasauli nito. Gayunman, tila mas mataas pa umano ang hinihingi ng taong nakakuha ng kanyang cellphone.
Aniya, “Hopefully I’m wrong. Hopefully they still choose to do the right thing. Prayers na lang muna na maging mabuting tao s’ya.”
Ibinahagi rin ni Myrtle ang emosyonal na karanasan sa paghahanap ng phone na naglalaman ng mahahalagang files, cosplay footage, at mga alaala kasama ang kanyang yumaong lola.
Kuwento pa niya, lumabas sa tracker na nasa Ever Gotesco Commonwealth ang lokasyon ng phone. Kasama ang kanyang pamilya, sinundan nila ang galaw nito mula Quezon City hanggang Fairview at Mindanao Ave.
Sa isang punto, halos matunton na nila ang sasakyang pinaghihinalaang may hawak ng phone. Ngunit nang gamitin nila ang ring feature, biglang pinatay ang cellphone at nawalan na rin ng signal ang tracker.
NAG-POST ang ABS-CBN ng larawan nina Kim Chiu at Nadine Lustre kung saan kapwa naka-sportswear ang dalawang aktres.
Nakalagay sa caption ang “Which one do you like? #sportswear.”
Hati ang opinyon ng mga netizens:
“Nadine.”
“I like Nadine but Kim Chiu is more attractive in her sportswear. Mas may spark at very fresh ang looks ni Kimmy.”
“Of course, Ms. Kimmy. Ang neat tingnan po.”
“Both are lovely, but Kim’s combination of charm, sweetness and freshness is simply irresistible.”
“Both are beautiful.”
“As someone with conservative values, I personally appreciate Kim’s graceful and modest way of carrying herself. At the same time, I respect Nadine’s liberated ways. They have different styles, but both are admirable women and talented actresses in their own right.”
“Nadine Lustre all the way.”
Kani-kanya ng istilo sina Kim Chiu at Nadine Lustre pagdating sa sportswear, kaya naman pareho silang hinahangaan ng kanilang mga tagasuporta.
May sarili silang angas at paraan ng pagdadala ng kanilang kasuotan, bagay na lalong nagpapakita ng kanilang natatanging personalidad at fashion sense.
NAPAKOMENTO ang mga netizens sa ipinost ni Anne Curtis habang siya ay nasa Shanghai, China.
Sa Instagram (IG) story, ipinakita ni Anne ang kanyang luxury cashmere sweatshirt at nilagyan ng caption na: “Literally, my Kryptonite.”
Dahil ito ay cashmere (mamahaling natural na hibla ng fiber na galing sa pinong balahibo ng cashmere goat) at luxury brand item, marami ang nagbiro online na kahit sino ay manghihina sa presyo nito.
Kilala si Anne sa kanyang pagmamahal sa high fashion at mga luxury brands, at ilang beses na rin siyang namataan sa mga international fashion events na nakasuot ng mga mamahaling cashmere pieces.
Gayunman, wala pang opisyal na impormasyon na nagkukumpirma kung anong eksaktong brand o magkano ang presyo ng sweatshirt na ipinost ng aktres. Kaya ang mga kumakalat na presyo online ay hindi pa beripikado.
Komento ng mga netizens:
“Hahaha! The caption is so real.”
“Nice! Been wanting this ever since I saw Jennie wore it. And the song is on point, just rewatching Smallville on Netflix.”
“Ikaw na ang definition ng ‘Super’ Superwoman, super-Chanel, super sosyal sa big sunglasses, super-ganda at super-mahal ko.”
“Pinakyaw mo na ang Chanel, girl, since then.”
“Mapapa-Chanel (sana) all ka na lang talaga.”





Comments