P3.80 rollback sa diesel, P1.50 gasoline, P5.80 kerosene

18 minutes ago
1 min read
ni Gina Plenago @News | November 16, 2026

Photo: File
Inaasahang magkakaroon ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, Nobyembre 17.
Batay sa inaasahang bawas-presyo, bababa ng P3.80 kada litro ang diesel, P1.50 kada litro ang gasoline, at P5.80 kada litro ang kerosene.
Ang panibagong rollback ngayong ikatlong linggo ng Nobyembre ay inaasahang magbibigay ng dagdag na ginhawa sa mga motorista at konsyumer.





Comments