P2K ayuda, puwedeng ipakuha sa iba — DSWD
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | July 21, 2026

Photo: File
Pinayagan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) na magpadala ng kinatawan upang kunin ang kanilang cash assistance.
“Actually, they may send their representatives. Itong kaibahan nu'ng UPLIFT assistance sa naunang cash relief assistance distribution, ngayon kasi targeted,” ani DSWD spokesperson Irene Dumlao.
Ayon kay Dumlao, alam ng DSWD kung sinu-sinong miyembro ng pamilya ang maaaring maging kinatawan ng benepisyaryo at may verification process para rito.
Target ng UPLIFT na makinabang ang 7.5 milyong pamilya. Kabilang dito ang 3.5 milyong benepisyaryo ng 4Ps at Walang Gutom Program na makatatanggap ng isang beses na P2,000, 1.5 milyong low-income workers na tatanggap ng P2,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre, at 2.5 milyong mahihirap at near-poor na pamilya na natukoy sa 2024
Community-Based Monitoring System (CBMS).
Nilinaw naman ng DSWD na hindi pa kabilang sa UPLIFT ang mga pamilyang naitalang mahirap noong 2025 at 2026 dahil nakabatay ang listahan ng benepisyaryo sa 2024 CBMS.





Comments